Home » Archives » April 2008
ang buhay nga naman
April 14, 2008MATAGAL…at hindi ko na kailangang magpakasarcastic para ma-emphasize lamang na talagang matagal ng natutulog ang blog site kong ito…nakakalungkot dahil tulad ng nabanggit ko sa nauna kong blog,madaming gumugulo sa utak ko na sa blog ko lamang naipapahayag. pero katulad ng mga bagong gradweyt na excited kumita ng sariling pera-nalululon din ako sa trabaho. mabuti sana kung maghapong pagbabasa lamang ng dyaryo at pagdial sa telepono at ganigawa ko sa trabaho,marahil hindi lamang "updated 24 hours ago" ang status ko sa friendster. nararapat lamang siguro na bigyan ko ng katwiran ang hindi ko pagbisita man lamang sa blog site na ito. una-nagmahal ang presyo ng gulay dahil sa pagdating ng ilang magkakasunod na bagyo, pangalawa-tumaas ang presyo ng karneng baboy at pangatlo (at marahil pinakamagulo)-may shortage daw sa bigas. siguro naman hindi na kailangang bangitin pa kung saan ako nagtatrabaho.kung naguguluhan pa din kayo,tanungin niyo na lang si Sec. Yap.
hay…masama lang talaga ang loob ko…kaya basag talaga ang mga sinusulat ko. kung sa tula-hindi sila magkatunog,kung sa kanta-sintunado,kung sa sanaysay-taglish.ayos,taglish pala ito. gusto ko lamang namang malaman na hindi lamang ako ang impokrita na gumagawa ng ginagawa ko ngaun (hindi ang mag-blog). unti unti ko ng pinapatay ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko naman alam kung gusto ko ba o ginagawa ko lang dahil kailangan. sa totoon lang, hindi ko pa din alam anung gusto kong gawin sa buhay ko (walang pakialaman, dahil kahit ilang "tanga!" pa ang madinig ko, wala akong magagawa-talagang hindi pa ako naliliwanagan).
naalala ko tuloy ang minsang nabasa ko (hindi ko alam kung sa peryodiko o sa text message ng mauso ang unli) - nagpapakahirap daw magtrabaho ang tao para lamang sa pagdating ng panahon ay may magastos sa pagpapagamot ng sakit na dulot din naman ng pagpapakapagod sa pagawa. tama nga naman, pero san ako lulugar? kung hindi ako magtatrabaho-wala akong sweldo, kung matutulog ako maghapon at manonood ng buong season ng CSI-hindi ko ito pagsasawaan pero kahit siguro dirty ice cream hindi ako makakabili.
bakit kaya hindi na lamang nabuhay ang tao ng ayon sa pagkakalikha sa kanya? bakit ba hindi pwedeng umakyat na lang tayo sa bundok, lumangoy sa dagat, pumasok sa mga kweba, mangisda, mamitas ng bulaklak, tumawa, makinig, tumahimik, kumanta, sumayaw, magmahal, magpahinga at matuto ng WALANG BAYAD-WALANG KAPALIT.
hindi ako nagdadrama. hindi rin ako galit sa boss ko. at hindi ko gustong pakingan nila na KAILANGAN KO NG MATAAS NA SWELDO…. pero bawat araw na pinapatay ko ang computer ko,bawat araw na naglalakad ako sa kahabaan ng city hall, naiisip ko-paano kung bukas mamatay na ako?-masaya ba talaga ako?? siguro naiisip mo na napaka dali ng solusyon sa pinoproblema ko-"follow your heart"-gawin mo ang bagay na makakapagpasaya sayo…pero alam mo at alam ko na wala ng libre sa mundo. kung sana hindi nabuhay ang tao na may presyo ang lahat ng bagay.kung sana madali ang maging iba ng hindi ka nagiging makasarili. at kung sana hindi tumaas ang presyo ng baboy at bigas-sana hindi ako nagmamaktol ng ganito.

